Lauren Young, unti-unti nang nakakabangon sa buhay

Unti-unti nang nakakabangon ang aktres, blogger at influencer na si Lauren Young matapos dumaan siya sa patong-patong na pagsubok sa kanyang buhay at career kabilang na ang pagkakabaon sa utang.

Sa kanyang YouTube blog, inamin ni Lauren nakaapekto ang kanyang career sa kanyang pakikitungo sa ibang tao.

Say pa ng aktres, binago niya ang kanyang buhay kaya gumanda na ang takbo ng kanyang career.


Dagdag pa niya, maayos na ang kanyang paniniwala sa buhay at alam niya ang kanyang naging pagkakamali.

Sa ngayon, binubuo muli ni Lauren ang relasyon sa mga taong importante sa kanyang buhay kabilang na ang kanyang kapatid na si Megan Young.

Pinag-aaralan na rin muli ng aktres kung paano bibigyang halaga ang pagmamahal sa sarili at pagiging totoo.

Facebook Comments