AKSIDENTE | Sugatan sa nahulog na gondola sa Makati City, umakyat na sa apat

Makati City – Umakyat na sa apat na tao ang nasugatan sa pagbagsak ng dalawang motor ng gondola sa isang pampasaherong jeep sa Makati City.

Nasugatan sa nasabing insidente ang tatlong pasahero ng jeep at ang operator ng gondola na si Antonio Arcilla.

Ayon sa Makati City Police, mula sa ika-68 palapag ng Shang Salcedo Place building sa Buendia Avenue ang Gondola Motors nang ito ay mahulog sa dumadaang jeep.


Maliban sa pampasaherong jeep, tinamaan din ng mga nagbagsakang debris ang tatlong sasakyan.

Tiniyak naman ng Shang Properties Incorporation na makikipagtulungan sila sa imbestigasyon at sasagutin ang gastos sa ospital ng mga nasugatan gayundin ang mga nasirang sasakyan.

Facebook Comments