ARESTADO | Anim, arestado sa drug operasyon sa Pasig City

Pasig City *- *Arestado ang anim na drug suspek sa ikinasang anti-narcotics operation ng Eastern Police District (EPD) drug enforcement unit sa barangay Bagong Ilog, Pasig City.

Kinilala ang mga suspek na sina Rollie Intalan, Ricsal Redelosa, Jay Eaton, Senin Hernandez, Michael Reserva at Jayson Lizardo.

Nakuha mula sa mga suspek ang 16 na piraso ng plastic sachets ng hinhinalang shabu, improvised water pipe na mayroong trace o residue ng shabu at mga drug paraphernalia.


Nakatakdang sampahan ng paglabag sa republic act 9165 o comprehensive dangerous drugs act of 2002 ang anim na suspek.

Facebook Comments