AKSIDENTE? | SUV, nahulog mula sa ikatlong palapag ng isang mall

San Juan City – Nahulog ang isang SUV mula sa ikatlong palapag ng isang shopping mall sa Greenhills, San Juan City kaninang umaga.

Sa inisyal na imbestigasyon sa San Juan PNP nahulog mula sa parking area ng Promenade Mall ang Toyota Innova na may plakang AHA-8024.

Sira ang kotse gayundin ang railings o harang na bakal sa parking area.


Isinugod naman sa Cardinal Hospital ang sugatang driver ng kotse na hindi pa isinasapubliko ang pagkakakilanlan.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya kung bakit nahulog ang sasakyan.

Samantala, nito lang Biyernes, November 16 nang mahulog din ang isang SUV sa Ilog Pasig na sakop ng Barangay Cembo sa Makati.

Sakay nito ang 59-anyos na ginang na maswerte namang nailigtas.

Mechanical failure ang tinitingnang dahilan ng insidente dahil naka-handbreak naman ito nang makuha ng mga otoridad mula sa ilog.

Facebook Comments