DUMALO | PRRD, present sa ikalawang araw ng APEC Summit

Papua New Guinea – Dinaluhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga aktibidad sa ikalawang araw ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa Papua New Guinea.

Ito ay makaraang magbago ang kanyang isip at nagpasyang huwag munang umuwi ng Pilipinas kagabi.

Dumating ang Pangulo sa APEC Haus para dumalo sa APEC Leader’s Dialogue kasama ang international monetary fund.


Sa pagkakataong ito, nakasama na ang Pangulo sa family photo ng APEC leaders.

Kagabi, matatandaang hindi dumalo sa gala dinner ang Pangulo at wala rin siya sa family photo ng matataas na lider ng mga bansang miyembro ng APEC.

Mamayang gabi, inaasahang ba-biyahe pabalik ng bansa si Pangulong Duterte.

Facebook Comments