AKSIDENTE | Uber driver, isinugod sa hospital matapos maaksidente sa South Bound EDSA Mandaluyong City

Mandaluyong City – Na-hospital ang isang grab driver matapos maaksidente sa South Bound EDSA sakop ng Mandaluyong City kaninang madaling araw.

Nakilala ang biktima na si Ernal Jessede isang Uber driver.

Ayon sa biktima iniwasan niya ang 2 sasakyan na nasa kaliwa at nasa kanan hanggang sa naipit na siya at bumangga sa concrete barrier.


Halos lumabas na ang makina ng sasakyan sa lakas ng pagkaka bangga nito.

Ayon sa Traffic Investigator na si SPO1 Isram Abdurakil, iimbestigahan nila kung ilang oras ng bumabyahe ang driver para matukoy kung ito ba ay nakatulog sa pagmamaneho

Dinala naman sa Mandaluyong traffic bureau ang nasawak na kotse.

Facebook Comments