Aksyon ng mga ahensya ng pamahalaan para sa mga apektado ng Bagyong Aghon, mahigpit na binabantayan ng Malacañang

Mahigpit na binabantayan ng Palasyo ng Malacañang ang ginagawa hakbang ng mga ahensya ng pamahalaan para sa mga apektado ng Bagyong Aghon.

Partikular dito assistance efforts na ginagawa ng pamahalaan.

Ito’y kasunod ng kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na tiyaking makararating ang kailangang tulong sa ating mga kababayan na tinamaan ng kalamidad.


Kaugnay nito’y patuloy naman ang pagbibigay ng update ng Presidential Communications Office (PCO) hinggil sa nagpapatuloy na operasyon ng gobyerno.

Kabilang dito ang ₱1.2 million na nasa 94 na barangay, 8,902 na pamilya, o 15,828 na indibidwal ang apektado sa anim na rehiyon.

Samantala, hinikayat naman ng pangulo ang publiko na manatiling mapagmatyag at bantayan ang kanilang kaligtasan habang nasa Philippine Area of Responsibility pa rin ang Bagyong Aghon.

Facebook Comments