Pumatay sa opisyal ng LTO arestado- Abalos

Kinumpirma ni Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos Jr. na naaresto na ng Philippine National Police (PNP) ang suspek sa pagpatay sa opisyal ng Land Transportation Office (LTO) na pinagbabaril noong gabi ng Biyernes sa Quezon City.

Sinabi ni Sec. Abalos na ang gunman ay nasa kostudiya na ng Quezon City Police District (QCPD).

Wala nang detalye pang ibinigay si Abalos pero aniya ay nakatakdang iharap ng QCPD sa pisklaya ngayong araw ang di pa pinangalanang suspek.


Alas 6:20 ng gabi noong Biyernes nang tambangan ng lalaking nakasakay ng motorsiklo si Dir. Mercedita Gutierrez habang sakay ng kanyang SUV sa Barangay Pinyahan, Quezon City.

Facebook Comments