Aktibidad ng Bulkang Taal partikular sa main crater nito, patuloy sa pagtaas!

Patuloy ang pagtaas ng mga aktibidad ng Bulkang Taal partikular sa main crater nito.

Batay sa monitoring ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), umabot sa 302 volcanic earthquakes ang naitala sa nakalipas na 24-oras.

Nasa 184 volcanic tremors din ang naitala na tumagal ng dalawang minuto at 188 low-frequency volcanic earthquakes.


Nasa 30 meters naman ang taas ng usok na lumalabas sa main crater ng Taal habang nasa 925 tonnes per day ang inilalabas na sulfur dioxide.

Sinabi ng PHIVOLCS na patuloy ang kanilang evaluation sa Taal lalo na’t tumataas ang mga aktibidad nito na indikasyon na may posibilidad ng pagsabog.

Bunsod nito, pinayuhan ng PHIVOLCS ang Local Government Units na maging handa sa posibleng paglikas ng mga residente na maaapektuhan ng bulkan.

Facebook Comments