Aktibidad ng mga lider ng ilang aktibistang grupo, mino-monitor ng NCRPO

Inatasan ng NCRPO ang Manila Police District na magsagawa ng background check sa 3 aktibistang inaresto sa Tondo, Maynila.

 

Nilinaw naman ni NCRPO Chief PBGen Debold Sinas na hindi ang MPD ang nanguna sa pag aresto sa 3 aktibista kundi ang PNP-CIDG na may dalang warrant of arrest laban sa mga ito.

 

Inamin naman ni SINAS na may mga lider ng ibat ibang grupo sa Metro Manila  ang patuloy na mino montor ng PNP at AFP joint task force NCR.


 

Tiniyak naman ni Sinas na sakaling magkaroon ng operasyon laban sa nasabing lider ng ibat ibang grupo isasagawa ito sa ligal na proseso.

Facebook Comments