Aktibidad ni Pangulong Duterte, limitado pa rin kasunod ng banta ng Delta variant

Dumipensa ang MalacaƱang sa ginagawang pag-iikot ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kabila ng banta ng Delta variant na itinuturing na highly transmissible o mas nakakahawa.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, ang mga pag-iikot na ito ng pangulo ay depende sa kahalagahan ng aktibidad at sa mga lugar na hindi naman mataas ang kaso ng COVID-19.

Sinabi rin ni Roque na dalawang lugar lang naman ang madalas puntahan ng Presidente, ito ang Malago Club House sa MalacaƱang at ang kanyang tahanan sa Davao City.


Ibayong pag-iingat din aniya ang ipinatutupad sa mga lakad ng pangulo o sa tuwing bumibiyahe siya pa-Davao at pabalik ng Maynila.

Matatandaang nitong weekend, dumalo ang pangulo sa national assembly ng PDP-Laban sa Pampanga.

Facebook Comments