Bagong PRO2 Director, Pormal nang Manunungkulan; Tiwaling Pulis, Binalaan na Papanagutin sa Batas

56

Cauayan City, Isabela- Pormal nang manunungkulan bilang bagong Regional Director ng Police Regional Office 2 si BGen. Steve Bentican Ludan matapos ang ginawang turn-over of command at retirement honors para kay outgoing Regional Director PBGen. Crizaldo Obispo Nieves sa PRO2 Grandstand in Camp Marcelo A Adduru, Tuguegarao City.

Si BGen. Ludan ay mula sa Tabuk City, Kalinga at dating nagsilbing Director ng PNP Crime Laboratory at miyembro ng Philippine Military Academy “Tanglaw-Diwa” Class of 1992.


Nagpasalamat naman si PBGen. Ludan sa mainit na pagtanggap sa kanya at kanyang inihayag na magiging positibo siya sa pangangasiwa ng PRO2 dahil batid niya na nasa tabi umano niya ang pwersa ng kapulisan sa rehiyon.

Gayunman, nagpasalamat rin si outgoing Regional Director PBGen. Nieves sa mga kapulisan, mga local police stations at mga stakeholders sa buong rehiyon dahil sa labis na suporta at kooperasyon na ipinadama umano sa kanyang 1-taong pamumuno bilang Regional Director.

Dagdag pa niya, hinimok ang mga Valley Cops at ang pamayanan na panatilihin ang kanilang mabuting pakikipagsosyo sa pagpapatuloy ng mga programa at proyekto ng PNP.

Samantala, nagsilbing Guest of Honor at Speaker at Presiding Officer si Police Lieutenant General Ephraim Dickson, ang Deputy Chief PNP for Operations.



Paiigtingin naman ng bagong Regional Director ang intensified cleanliness policy sa buong hanay ng kapulisan sa rehiyon at siguruhing papapanagutin ang sinumang tiwaling pulis na mapapatunayang nagkasala sa batas.

Facebook Comments