MANILA, PHILIPPINES – Kasado na ang aktibidad ng mga taga suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte sa darating na Sabado at Linggo (Pebrero 25 at 26).
Magkakaroon ng vigil at concert na isasagawa sa Quirino Grandstand ang mga Pro-Duterte kung saan sesentro rito ang pagbibigay suporta sa kampanya ng administrasyon laban sa droga, korapsyon.
Nilinaw ni DILG Assistant Secretary Epimaco Densing – walang kinalaman sa EDSA people power anniversary ang mga naturang aktibidad at naitaon lamang ito.
Pero sa inteview ng RMN kay EDSA People Power Advocate na si Rizalito David – naniniwala siyang ang mga sasali sa naturang rally ay sumusuporta lamang sa madugong pamamaraan ng adminstrasyon tungo sa pagbabago.
Inaasahang magmumula pa sa iba’t-ibang panig ng bansa ang mga sasali sa Pro-Duterte rally.