Aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa, bahagyang bumaba

31

Bahagyang bumaba sa 56,452 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ito ay matapos makapagtala ngayong araw ang Department of Health (DOH) ng 7,122 na bagong gumaling sa virus.


4,777 naman ang bagong kaso habang 95 ang bagong binawian ng buhay.

Sa ngayon, umaabot na ang total COVID-19 cases sa bansa sa 1,280,783.

1,202,257 naman ang total recoveries at 22,064 ang kabuuang binawian ng buhay.

Facebook Comments