Diversion ng inbound international flights sa Mactan-Cebu Airport patungong NAIA, pinalawig pa

78

Pinalawig pa ng Malacañang hanggang June 12, 2021 ang pag-divert ng inbound international flights ng Mactan-Cebu International Airport patungong Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, layunin nito na maayos ang implementasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) arrival policy sa Cebu.


Matatandaang ipinag-utos ng Office of the Executive Secretary ang diversion ng mga biyahe ng eroplano pa-Mactan-Cebu patungong NAIA mula May 29 hanggang June 5, 2021.

Batay sa patakaran ng Cebu Local Government Unit (LGU), agad isinasailalim sa COVID-19 test ang mga biyaherong dumarating doon at istriktong home quarantine lamang dahil sa limitadong hotels na nagsisilbing isolation at home quarantine na malayo sa ipinatutupad na quarantine protocols ng IATF.

Facebook Comments