Aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa, bumaba pa lalo sa 18,085 ayon sa DOH, pinakamababa simula July 14

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 776 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ito na ang ika-apat na magkasunod na araw na mas mababa sa 1,000 ang naitatalang bagong kaso ng sakit.

Dahil dito, umakyat na sa 4,007,318 ang tinamaan ng virus kung saan 3,925,022 dito ang gumaling na.


Bumaba naman ang aktibong kaso sa 18,085 mula sa 18,392 nitong Huwebes at pinakamababa naman simula July 14

Nadagdagan naman ng 32 bagong nasawi sa sakit dahilan para umakyat sa 64,211 ang bilang ng COVID-19 related deaths sa bansa.

Facebook Comments