Aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa, bumaba sa 31,992; DOH, nakapagtala ng 3,047 bagong kaso ng sakit

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 3,047 bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Sa kabila nito, bumaba sa 31,992 ang aktibong kaso kahapon mula sa 32,099 na naitala noong August 2.

Ito na ang ikalawang sunod na araw na nagkaroon ng pagbaba sa kabilang ng active cases ng COVID-19 matapos makapagtala ng 3,141 new recoveries ang DOH kahapon.


Pumalo naman sa 60,762 ang nationwide COVID-19 death toll matapos madagdagan ng 13 bagong nasawi sa sakit.

Samantala, nananatili nasa 29% ang bed occupancy rate kung saan 8,334 hospital beds ang okupado habang 20,438 ang nananatiling bakante simula noong August 1.

Facebook Comments