Vehicular accident, nagdulot ng mabigat na daloy ng trapiko sa C-5 Kalayaan northbound; daloy ng trapiko, nakatukod

Nakakaranas ngayon ng mabigat na daloy na trapiko ang kahabaan ng C-5 Kalayaan northbound.

Ayon sa MMDA, ito ay dahil sa nangyaring aksidente na sangkot ang isang truck malapit sa u-turn slot sa northbound.

Hanggang kaninang alas-1:20 ng madaling araw, tatlong lane ang okupado at wala halos nagiging pag-usad ang mga sasakyan.


Sa ngayon ay nagpadala na ng mga tauhan ang MMDA upang rumesponde sa aksidente

Facebook Comments