Aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa, mahigit 29,000 na lamang

29,018 na lamang o 7.3% ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa.

2,058 naman ang bagong kaso ngayon kaya ang total cases na ay 398,449.

Pinakamaraming bagong kasong naitala ay mula sa Rizal, Davao, Maguindanao, Quezon City at Cavite.


182 naman ang bagong recoveries kaya ang total recoveries ngayon ay 361,784 o 90.8%.

108 naman ang bagong namatay sa virus kaya ang total deaths na ay 7,647 o 1.92%.

Samantala, nakapagtala naman ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng 81 na bagong kaso ng COVID-19 sa hanay ng overseas Filipinos.

Bunga nito, ang total cases na ngayon ay 11,474 at ang active cases ay 3,235.

44 naman ang bagong gumaling sa hanay ng mga Pinoy sa abroad kaya ang total recoveries na ay 7,411.

Wala rin muling naitala ang DFA na bagong Pinoy na binawian ng buhay sa abroad dahil sa virus kaya ang total deaths ay nananatili sa 828.

Facebook Comments