Aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa, nabawasan ng halos 13,000 ngayong araw

153

Mula sa 81,641 na aktibong kaso kahapon, bumaba ngayon sa 68,832 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa.

6,943 naman ang bagong kaso at 19,687 ang bagong gumaling habang 86 ang bagong nasawi.

Sa ngayon, umaabot na sa 2,727,286 ang kabuaang kaso sa bansa.


Ang total recoveries naman ay 2,617,693 habang ang total deaths na ay 40,675.

Kinumpirma naman ng Department of Health (DOH) na lahat ng mga laboratoryo ay operational noong October 16, 2021 habang mayroong 2 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos.

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 2 laboratories ay 0.3% sa lahat ng samples na nasuri at 0.2% sa lahat ng positibong mga indibidwal.



Facebook Comments