DFA, kinumpirmang walang bagong Overseas Filipinos sa Europe, Middle East at Africa na tinamaan ng COVID-19

119

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na wala silang naitalang Pilipino sa Europe, Middle East at Africa na bagong tinamaan ng COVID-19.

84 naman na Overseas Filipino ang bagong tinamaan ng virus habang 68 ang bagong gumaling at 6 ang bagong binawian ng buhay.

Sa ngayon,umaabot na sa 23,468 ang kabuuang bilang ng mga Pinoy na tinamaan ng COVID-19 sa abroad.


8,342 naman ang aktibong kaso habang ang total recoveries ay nasa 13,731.

Ang kabuuang binawian ng buhay ay 1,395.

Facebook Comments