Aktibong kaso ng COVID-19 sa bayan ng Bontoc sa Mountain Province, Tumaas

Cauayan City, Isabela-Umaabot na sa 165 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Mountain Province.

Ito ay batay sa pinakahuling datos na inilabas ng probinsya sa kanilang COVID-19 bulletin.

Ayon sa report, may pinakamataas na kasong naitala ang bayan ng Bontoc na pumalo sa kabuuang 111 kung saan nakapagtala rin ito ng kauna-unahang nasawi may kaugnayan sa COVID-19.


Habang sinundan naman ito ng bayan ng Sabangan na may 32 aktibong kaso; Sagada na mayroong walo (8) at Bauko na may pitong (7) kaso.

Kaugnay nito, umabot naman sa 311 ang mga naitalang tinamaan ng virus at 145 dito ang mga nakarekober na sa sakit.

Kahapon naman ng maitala ang dagdag na 18 kaso sa bayan ng Bontoc; 4 sa Sabangan at 7 sa Sagada.

Paalala ngayon ng Provincial Government sa publiko na ugaliin ang pagsunod sa health protocol para makaiwas sa banta ng virus.

Facebook Comments