Aktibong kaso ng COVID-19 sa Bontoc, Pumalo sa 148

12

Cauayan City, Isabela- Sumampa na sa 148 ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Bontoc, Mountain Province.

Ito ay base sa pinakahuling datos na inilabas ng Provincial Health Office.


Base sa report, 761 naman ang pawang mga nakarekober mula sa sakit habang 13 na ang kabuuang naitalang namatay may kaugnayan sa COVID-19.

Dahil dito,922 ang total cumulative cases o mga tinamaan ng COVID-19 sa naturang bayan.

Ngayong araw, walang naidagdag na positibong kaso ng virus sa buong lalawigan.

Mahigpit pa rin na paalala ng mga otoridad na sumunod sa ipinapatupad na minimum standard health protocol.



Facebook Comments