Kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa, mahigit 600,000 na; mga Pilipino sa abroad na tinamaan ng sakit, nadagdagan ng 11 ngayong araw

Umabot na sa 600,428 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa case bulletin na inilabas ng Department of Health (DOH) ngayong araw, 2,668 bagong kaso ng COVID-19 ang naitala.

Nasa 171 bagong recoveries naman ang naitala ng DOH dahilan para umabot na sa 546,078 ang kabuuang bilang ng mga gumaling.


Habang umabot na 12,528 ang bilang ng nasawi matapos madagdagan ng 7 ngayong araw.

Sa ngayon, nasa 41,822 na ang total active cases sa bansa.

Samantala, nakapagtala naman ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng panibagong 15 mga Pilipino na tinamaan ng COVID-19 sa abroad.

Dahil dito, sumampa na sa 15,865 ang bilang ng mga Pilipino sa abroad na tinamaan ng sakit.

Nadagdagan naman ng 11 ang mga Pilipinong naka-rekober sa abroad na umabot na sa 9,547 habang isa ang nadagdag sa nasawi na nasa 1,041 na.

Facebook Comments