Aktibong kaso ng COVID-19 sa Cagayan, Higit 400

Cauayan City, Isabela- Napanatili ng LGU Tuguegarao ang higit 300 na aktibong kaso ng COVID-19 batay sa pinakahuling datos na inilabas ng Provincial Health Office ng Cagayan, Enero 31.
Ito ay sa kabila ng nalalabing araw na nakapasailalim pa rin sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang lungsod hanggang Pebrero 3.

Sa latest data ng Provincial Epidemiology Surveillance Unit (PESU), nasa 331 ang active cases ng siyudad, ito ay dahil na rin sa mababang bilang na naitalang nagpositibo sa virus kahapon.

Nasa 18 katao naman ang pawang nakarekober na sa naturang sakit.
Samantala, nasa 132 naman sa mga positibing kaso nito ay naka-home quarantine na isang sanhi umano ng mataas na bilang ng local transmission sa lungsod.
Sa ngayon, umabot na sa 420 ang kabuuang bilang ng nagpositibo sa sakit sa lalawigan.


Facebook Comments