Aktibong Kaso ng COVID-19 sa Cauayan City, Bumaba

Cauayan City, Isabela- Patuloy ang pagbaba ng bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Lungsod ng Cauayan dahil sa patuloy rin na paggaling ng mga nagpositibo.

Sa pinakahuling ulat mula sa City Health Office ngayong araw ng Miyerkules, April 28, 2021, bumaba sa 254 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Lungsod matapos makarekober ang 85 na pasyente.

Kasabay ng paggaling ng ilang tinamaan ng virus, nakapagtala naman ang lungsod ng labing tatlo (13) na panibagong positibong kaso.


Habang may isang (1) COVID-19 positive naman ang nasawi at hinihintay na lamang ang CV codes nito.

Ang lungsod ng Cauayan ay kasalukuyang sumasailalim sa GCQ Bubble na magtatapos hanggang ika-2 ng Mayo taong kasalukuyan.

Paalala ng City Health Office sa publiko na kung sakaling makaramdam ng sintomas ng Covid-19 ay makipag-ugnayan sa BHERTS sa barangay.

Facebook Comments