Aktibong kaso ng COVID-19 sa Cauayan City, Sumampa sa 109

Cauayan City, Isabela- Pumalo na sa kabuuang 109 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Cauayan City matapos itong madagdagan ng limang (5) kumpirmadong kaso ng mga tinamaan ng virus.

Batay sa inilabas na datos ng Department of Health (DOH) region 2, kabilang ang 92-taong gulang na babae mula sa Brgy. Alicaocao ang nahawaan ng COVID-19 dahil sa exposure sa kanyang mga apo.

Nakaranas ito ng sintomas na lagnat at pag-uubo na sinabayan pa ng mahinang pangangatawan sa kabila ng kanyang edad.


Sa panig naman ng LGU Cauayan, tiniyak ng health authorities na mabibigyan ng sapat na atensyong medical ang mga pasyente habang nakasailalim sa LGU at Hospital Quarantine facilities ang mga ito.

Kaugnay nito, nakapagtala rin ang lungsod ng kaso ng pagkamatay may kaugnayan sa COVID-19 makaraang bawian ng buhay ang 71-anyos na lalaki mula sa Brgy. Cabaruan at pangunahing sanhi ng kanyang pagkamatay ang Acute Respiratory Failure Secondary to severe Pneumonia.

Paulit-ulit naman na paalala ng pamahalaan ang ugaliing sumunod sa health protocol para makaiwas sa posibleng pagkahawa sa sakit.

Facebook Comments