AKTIBONG KASO NG COVID-19 SA CAUAYAN CITY, UMAKYAT SA 137

Cauayan City, Isabela- Lumampas muli sa isang daan ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Lungsod ng Cauayan matapos madagdagan ng 44 na panibagong kaso.
Batay sa report mula sa City Health Office, sumampa sa 137 ang active cases ng Lungsod nang madagdagan ito ng 44 new cases kahapon, April 1, 2021.
Hinihintay na lamang ang CV codes mula sa rehiyon.
Naantala ang paglabas ng CV codes ng mga bagong positibo matapos magkaroon ng backlog sa DOH Region 2 dahil na rin sa dami ng mga kaso.
Paalala ng pamahalaang lokal ng Lungsod na manatili muna sa loob ng tahanan maliban na lamang kung kinakailangan at valid ang rason para lumabas ng bahay upang maiwasang mahawa ng COVID-

Facebook Comments