AKTIBONG KASO NG COVID-19 SA ISABELA, BAHAGYANG TUMAAS

Cauayan City, Isabela- Muli nanamang sumirit ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Lalawigan ng Isabela.

Batay sa pinakahuling datos ng Isabela Provincial Information Office ngayong araw, Abril 6, 2022, tumaas sa 16 ang covid cases sa probinsya mula sa dating sampu na naitala nitong ika-apat ng Abril.

Kaugnay nito ay tumaas din sa 11 ang bilang ng mga lugar na may kaso ng COVID-19 sa probinsya habang nasa 26 na mga bayan naman ang COVID-19 free na.

Tanging ang bayan lamang ng Benito Soliven sa Isabela ang nakapagtala ng panibagong kaso habang wala namang naidagdag na kaso sa 36 pang mga lugar.

Sa kasalukuyan, umabot na sa kabuuang 69,018 ang naitalang kaso ng covid-19 sa buong probinsya ng Isabela na kung saan 2,256 na ang namatay habang nasa 66,747 naman ang gumaling.

Facebook Comments