Aktibong Kaso ng COVID-19 sa Isabela, Bumaba

A sample is taken from a woman at a free COVID-19 testing site, provided by United Memorial Medical Center, Sunday, June 28, 2020, at the Mexican Consulate, in Houston. Confirmed cases of the coronavirus in Texas continue to surge. Texas Gov. Greg Abbott shut down bars again and scaled back restaurant dining on Friday as cases climbed to record levels after the state embarked on one of America's fastest reopenings. (AP Photo/David J. Phillip)

Cauayan City, Isabela- Bumaba na lamang sa 418 ang total active cases ng COVID-19 sa probinsya ng Isabela mula sa 4,105 na total confirmed cases.

Sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH) Region 2 ngayong araw, Enero 28, 2021, dalawampu’t apat (24) ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa probinsya kung saan walo (8) rito ay naitala sa City of Ilagan at Santiago City, tig-dalawa (2) sa bayan ng San Isidro at San Mariano at tig-isa (1) sa mga bayan ng Gamu, San Mateo, Tumauini at sa Lungsod ng Cauayan.

Kasabay ng mga bagong naitalang kaso, nakarekober naman sa sakit ang apatnapu’t pitong COVID-19 patients kaya’t umaabot na sa 3,616 ang kabuuang bilang ng gumaling sa probinsya.


Mula sa 418 na active cases; isa (1) rito ay Returning Overseas Filipino (ROFs); pitong (7) Non-Authorized Persons Outside Residence (Non-APORs); tatlumpu’t dalawang (32) healthworker; tatlumput’t siyam (39) na pulis at 339 na Local Transmission.

Facebook Comments