Baguio City Mayor Benjamin Magalong, posibleng maparusahan sa pagdalo sa kontrobersyal na dinner party ni Tim Yap

163

Posibleng maparusahan si Baguio City Mayor Benjamin Magalong matapos dumalo sa kontrobersyal na dinner party ng social media personality na si Tim Yap dahil sa umano’y paglabag sa health protocols.

Ayon kay National Task Force Against COVID-19 Spokesperson Restituto Padilla, may kaakibat na parusa ang pagtitipon, base sa mga lokal na ordinansa.


Pinagpapaliwanag na rin ang The Manor kung saan ginanap ang event dahil sa paglabag nito sa COVID-19 protocols.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Department of Tourism (DOT) Undersecretary Benito Bengzon Jr. na nakadepende sa nilabag na protocol kung ano ang parusang kahaharapin ng nasabing hotel.

Nabatid na hanggang bukas na lang ang ibinigay na deadline ng DOT para magpaliwanag ang The Manor.

Facebook Comments