Aktibong Kaso ng COVID-19 sa Isabela, Bumaba

Cauayan City, Isabela- Patuloy na bumababa ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa probinsya ng Isabela.

Sa pinakahuling datos na inilabas ng Department of Health (DOH) Region 2 ngayong araw, Hunyo 25, 2021, mayroong 75 na bagong gumaling sa COVID-19 ang naitala ng probinsya na nagdadala sa kabuuang bilang na 24,952 total recovered cases.

Mayroon na lamang 1,055 na natitirang aktibong kaso ng COVID-19 sa probinsya kabilang na ang 119 na naitalang bagong positibong kaso.


Nakapagtala naman ang probinsya ng isang (1) kaso ng namatay sa COVID-19 at ngayo’y umaabot na sa 826 ang kabuuang bilang ng nasawi sa nasabing sakit.

Sa kasalukuyan, bahagyang tumaas sa 26,833 ang total cumulative cases ng Isabela.

Samantala, nangunguna pa rin ang Lungsod ng Cauayan sa may pinakamataas na bilang ng aktibong kaso na umaabot sa 135, sumunod ang bayan ng Tumauini na may 130.

Naitala naman sa bayan ng Maconacon ang may pinakamababang aktibong kaso ng COVID-19 na mayroon lamang dalawa (3) maging sa bayan ng Burgos na mayroong tatlo (3) na aktibong kaso.

Facebook Comments