Nasa 433 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng virus matapos madagdagan ng animnapu’t anim (66) na panibagong kaso ang probinsya.
Umabot na sa 70, 645 ang total cumulative cases, 2, 284 ang naitalang namatay at 67, 928 ang bilang ng mga nakarekober sa sakit.
Sa pagtaya ng health office, nanguna sa may pinakamaraming bilang ng tinamaan ng virus ang Santiago City (88), City of Ilagan (38), at Cauayan City (32).
Nananatili naman sa lima (5) ang bilang ng lugar na walang kaso na ng COVID-19.
Samantala, nasa 92.7% na ang naturukan ng unang dose, 86.7% naman sa second dose habang 16.6% pa rin naman ang nakatanggap ng booster shot.
Patuloy naman ang paghikayat ng kinauukulan sa publiko na magpabakuna para magkaroon ng karagdagang proteksyon laban sa COVID-19.