Cauayan City, Isabela- Pumapalo na sa 2,348 ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 ang naitala ng Lalawigan ng Isabela.
Sa pinakahuling datos mula sa Regional Epidemiology Surveillance Unit (RESU) as of May 3, 2021, nakapagtala ang Isabela ng 189 na panibagong positibong kaso; 254 na bagong gumaling at walo (8) na COVID-19 related deaths.
Tumaas naman sa 16,665 ang total recovered cases ng probinsya mula sa 19,564 na kabuuang bilang ng naitalang total confirmed cases sa Isabela.
Umaabot naman sa 551 ang naitalang nasawi dahil sa COVID-19.
Nangunguna naman ang Lungsod ng Cauayan sa buong probinsya sa may pinakamataas na bilang ng aktibong kaso na aabot sa 297 na sinusundan ng bayan ng Tumauini na may 154 at pumapangatlo ang bayan ng Cabagan na may 142 active cases.