Aktibong Kaso ng COVID-19 sa Isabela, Higit 600 na Lamang

Cauayan City, Isabela- Bumaba na sa 652 ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Lalawigan ng Isabela.

Sa datos na inilabas ng Isabela Provincial Information Office ngayong araw ng Lunes, November 22, 2021, nakapagtala lamang ang probinsya ng 48 na panibagong kaso, 39 na gumaling at dalawang (2) namatay.

Tumaas naman sa 57,916 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober mula sa nasabing sakit habang umaabot naman sa 2,026 ang naitalang COVID-19 related deaths.


Sa ngayon, umaabot na sa 60,594 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 na naitala sa probinsya ng Isabela.

Facebook Comments