Bagong testigo, haharap sa pagdinig ng Senado ukol sa Pharmally deal

364

Asahan ang paglutang ng bagong testigo sa pagpapatuloy ng pagdinig ngayong Biyernes, November 26 ng Senate Blue Ribbon Committee ukol sa pagbili ng gobyerno ng pandemic supplies.

Ayon kay Committee Chairman Senator Richard Gordon, mabigat at vital ang mga impormasyong isisiwalat ng bagong testigo ukol sa kontrobersyal na transaksyon ng Pharmally Pharmaceutical Corporation sa gobyerno.

Inaasahan ni Gordon na ang ilalahad ng bagong testigo ay malaki ang maitutulong sa paglabas ng katotohanan na lalong magdidiin sa mga taong nasasangkot sa isyu.


Gayunman, hindi muna pinangalanan ni Gordon ang bagong testigo na magsisiwalat ng firsthand information ukol sa umano’y iregularidad sa pagbili ng pamahalaan ng pandemic supplies.

Facebook Comments