Aktibong Kaso ng COVID-19 sa Isabela, Lalong Tumaas

Cauayan City, Isabela- Mahigit 4,000 na ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Isabela matapos madagdagan ng bagong kaso na 634 ngayong araw ng Biyernes, September 17, 2021.

Batay sa pinakahuling datos mula sa DOH Region 2, mayroon ng 4,335 na total active cases sa probinsya.

Naitala rin ang 361 new recoveries at sampung panibagong namatay dahil sa COVID-19.


Nangunguna pa rin sa may pinakamataas na naitalang aktibong kaso ang Lungsod ng Cauayan na aabot sa 405, pumapangalawa ang bayan ng Angadanan na mayroong 367 cases, at pangatlo ang Santiago City na may 287 active cases.

Zero active case naman ang tatlong coastal towns ng Isabela gaya ng Dinapigue, Divilacan at Palanan.

Facebook Comments