COVID-19 beds sa 6 na district hospitals sa Maynila, 87% nang okupado

33

Umaabot na sa 73% ang okupadong COVID-19 beds sa 6 na district hospitals sa Maynila.

Kabilang dito ang Ospital ng Maynila, Ospital ng Sampaloc, Justice Jose Abad Santos General Hospital, Gat Andres Bonifacio Hospital, Ospital ng Tondo at Sta. Ana Hospital.


Ang COVID field hospitals naman ay 87% nang okupado kung saan 299 na mga kama ang okupado ng COVID patients mula sa kabuuang 344 beds.

Ang COVID quarantine facilities naman, 18% pa lamang na okupado.

Habang bakante naman ang lahat ng kama sa COVID suspect cases quarantine facilities sa Maynila.

Facebook Comments