Aktibong Kaso ng COVID-19 sa Isabela, Tumaas

Cauayan City, Isabela- Bahagyang tumaas ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Lalawigan ng Isabela.

Sa pinakahuling datos mula sa Regional Epidemiology Surveillance Unit (RESU), sumipa sa 1,504 ang bilang ng active cases sa probinsya matapos madagdagan ng 128 na panibagong kaso na naitala sa iba’t-ibang bayan at Syudad sa Lalawigan.

Mayroon namang lima (5) na naitalang bagong namatay sa COVID-19 na nagdadala sa kabuuang bilang na 662.


Umaabot naman sa 21,976 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa probinsya na kung saan ang 19,810 rito ay idineklarang gumaling.

Nangunguna pa rin ang Lungsod ng Cauayan sa may pinakamaraming aktibong kaso sa probinsya na umaabot sa bilang na 217 na sinusundan ng bayan ng Tumauini na may 126.

Facebook Comments