Aktibong kaso ng COVID-19 sa Kalinga, Pumalo na sa higit 400

Cauayan City, Isabela- Umakyat na sa 403 ang aktibong kaso ng COVID-19 na naitala ng lalawigan ng Kalinga ngayong araw.

Ito ay makaraang madagdagan ng 51 kumpirmadong kaso ang naunang datos na 352.

Batay sa datos ng Provincial Epidemiology and Surveillance Unit (PESU), mula sa bilang na 51, pinakabatang nagpositibo ang isang (1) taong gulang na babae mula sa Barangay Cagaluan, bayan ng Pasil habang naitala naman ang pinakamtanda na 85-anyos na babae at residente ng Dupligan, Tanudan.


Kaugnay nito, pumalo na sa 1,068 ang cumulative confirmed cases ng Kalinga habang 692 na ang naitalang nakarekober sa sakit at nasa kabuuang apat (4) na ang binawian ng buhay.

Dahil dito, may pinakamataas pa rin na bilang ng nagpositibo ang Tabuk City na umabot sa 127.

Samantala, inanunsyo naman ni Lubuagan Mayor Charisma Anne Dickpus na ang Sitios Palotnac, at Kimatan at barangay Mabongtot ay nakapasailalim sa lockdown.

Sa ngayon, naka-heightened red alert pa rin ang lalawigan dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19.

Facebook Comments