Aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Pasay, bumaba na sa higit 60 ang bilang

35

Nasa higit 60 na lamang ang naitatalang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Pasay.

Sa inilabas na datos ng Pasay LGU, bumaba ng 13 ang bilang ng aktibong kaso ng virus na mula sa 79 ay nasa 66 na lamang ngayong araw.


Pumalo naman sa 13,834 na residente ng Pasay ang gumaling sa COVID-19 at 16 dito ay pawang new recoveries.

Nasa 382 ang bilang ng nasawi habang ang kumpirmadong kaso ng virus ay umabot na sa 14,282.

Patuloy namang gumagawa ng mga hakbang ang lokal na pamahalaan ng Pasay upang mapigilan ang pagdami ng kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Kabilang dito ang mas aktibong contact tracing, pagsasagawa ng mas maraming RT-PCR testing, isolation and treatment at pagdedeklara ng mas maigting na community quarantine sa mga apektadong barangay.



Facebook Comments