Santiago City, Mayroon pang 44 COVID-19 Active Cases

9

Cauayan City, Isabela- Nasa 44 pa ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Lungsod ng Santiago.

Sa pinakahuling datos ng Santiago City Health Office, siyam (9) ang naitalang panibagong kaso ng Lungsod habang lima (5) ang bagong gumaling.


Umaabot naman ngayon sa 4,280 ang kabuuang bilang ng COVID-19 sa Lungsod na kung saan nasa 4,122 na ang nakarekober.

Nakapagtala naman ng 114 na kabuuang bilang ng namatay sa COVID-19 ang Lungsod ng Santiago.

Kaugnay nito, nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang disinfection ng lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Santiago lalo na sa mga pampublikong lugar kabilang ang pamilihang bayan upang masiguro na ligtas sa pamimili sa nasabing lungsod.

Facebook Comments