Sumampa na sa 1,414 ang kabuuang bilang ngayon araw ng aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Mandaluyong.
Ang Barangay Mauway ang may pinakamaraming aktibong kaso ngayon ng COVID-19, kung saan umabot ito ng 161.
Sinundan ito ng Barangay Addition Hills na may 153, Hulo na merong 132, Plainview 115 at Barangay Barangka Ilaya na may 109 na COVID-19 active cases.
Paliwanag ng pamunuan ng Mandaluyong City Health Department mas marami kasi ang mga tinamaan ng COVID-19 sa lungsod kumpara sa mga gumali.
Base sa kanilang datos, umabot ng 150 ang mga bagong kaso ng COVID-19 kagabi habang 90 lang ang bilang ng new recoveries.
Tumaas din sa 252 ang kabuuang bilang ngayon ng mga nasawi na dulot ng virus matapos itong madagdagan kagabi ng 5.
Sa kabuuang bilang ngayon ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Mandaluyong ay nasa 9,876, kung saan 8,210 nito ay kabuuang bilang naman ng mga gumaling mula sa naturang sakit.