Pumalo na sa 1,036 ang kabuuang bilang ngayon ng aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Mandaluyong.
Batay sa tala ng kanilang City Health Office, 97 ang bagong naidagdag sa bilang ng mga aktibong kaso sa lungsod makalipas lang ang 24 oras.
Mula sa 97 na bagong kaso, 44 nito ay fully vaccinated at 18 naman ang mga nakatanggap na ng unang dose ng bakuna laban sa COVID-19 habang ang 35 naman ay hindi pa nababakunahan.
Samantala, pumalo rin sa 19,887 ang kabuuang bilang ngayon ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod.
18,389 dito ay gumaling na sa naturang sakit matapos makapagtala ng 31 na mga bagong recoveries sa nakalipas na araw.
Nananatili naman sa 462 ang bilang ng mga nasawi sa lungsod dulot ng COVID-19.
Facebook Comments