Aktibong kaso ng COVID-19 sa Navotas, walo na lamang

31

Masayang ibinalita ni Navotas City Mayor Toby Tiangco na walo na lang ngayon ang aktibong kaso ng COVID-19 sa kanilang lungsod.

Ito ay nasa mga barangay ng;
Daanghari
NBBN
NBBS Kaunlaran
NBBS Proper
San Jose
Tangos North
Tanza 2

Sabi ni Tiangco sa pinakahuling 163 na RT-PCR swab test results na natanggap ng local government ngayong araw ay walang nagpositibo.


Gayunpaman, ipinaalala ni Tiangco sa publiko na kailangan pa rin maging maingat para ang kalusugan at kabuhayan ay maprotektahan.

Patuloy aniyang sundin ang health protocols tulad ng pagsuot ng face mask.

Sabi ni Tiangco, dapat itong gawin lalo na at may bagong variant of concern na binabantayan ngayon ang World Health Organization (WHO) na Omicron.



Facebook Comments