Mahigit 200 Pamilya, Nabenipisyuhan ng Water System Project sa Barangay VillaFlor

65

Cauayan City,Isabela- Mahigit 200 pamilya ang magbebenepisyo sa Water System Project na ipinasakamay sa Barangay Villaflor,Cauayan City, Isabela ngayong araw, Nobyembre 29, 2021.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay DOST Isabela Provincial Director Lucio Calimag, umabot sa mahigit P1 milyon ang kabuuang inilaan na pondo para sa pagsasaayos ng water system sa tulong na rin ng Local Government Unit at 2nd Isabela Provincial Mobile Force Company maging ang barangay.

Ayon pa kay PD Calimag, inaasahang madaragdagan pa ang mga proyekto na kanilang ipagkakaloob sa mga barangay sa probinsya.


Samantala, labis naman ang pasasalamat ni Punong Barangay Mario Dela Cruz sa DOST Isabela, GU at 2nd IPMFC dahil ngayon ay marami ng pamilya ang makikinabang sa maayos na patubig at hindi na mahihirapan pang mag-igib sa balon lalo na kapag sumasapit ang panahon ng tag-araw.

Malaking tulong na rin aniya ang naturang proyekto dahil tiyak na ang tuloy-tuloy na pagsigla ng barangay.

Nangako naman si Dela Cruz na pangangalagaan nila ang proyekto para sa tuloy-tuloy na kapakinabangan ng mga residente.



Tiniyak naman ng DOST, 2nd IPMFC at LGU Cauayan ang patuloy na suporta sa lahat ng residente para sa mas maayos na pamumuhay.

Facebook Comments