Cauayan City, Isabela- Bumaba na sa labing tatlo (13) ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Lalawigan ng Nueva Vizcaya.
Batay sa ibinahaging impormasyon ng Department of Health (DOH) Region 2 as of October 20, 2020, tatlong (3) bayan na lamang sa lalawigan ng Nueva Vizcaya ay mayroong natitirang aktibong kaso gaya ng Bayombong, Bambang at Solano.
Mula sa 13 active cases, walo (8) na lamang sa Bayombong, tatlo (3) sa Solano at dalawa (2) sa Bambang.
Bukod dito, nakapagtala pa ng tatlong (3) panibagong gumaling sa COVID-19 na mula sa bayan ng Bagabag na sina CV 1832, CV 1958, at CV 2023.
Wala na rin naitalang panibagong kaso ng COVID-19 ang Nueva Vizcaya na ngayo’y nananatili sa 589 ang total confirmed cases sa probinsya.
Umakyat naman sa 559 ang bilang ng mga nakarekober habang nasa labing pito (17) ang naitalang nasawi.