Nasa apat na lamang ang naitalang aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Pasay.
Base sa impormasyon mula sa Pasay Public Information Office, 2 ang naitalang bagong kaso.
Pawang nagmula ang apat sa Barangay 41, 145 at 183.
Gayunpaman, mahigpit ang paalala ng Pasay Local Government (LGU) na patuloy magsumikap na masugpo at maiwasan ang pagkalat ng virus at iba pang sakit sa ating komunidad.
Ayon sa lokal na pamahalaan makakamit ito sa pamamagitan ng minimum public health standards tulad ng E.M.I. Habit:
→ E- Ensure to always wash your hands;
→ M- Mask and face shield are a must; at
→ I- Implement physical distancing.
Binanggit din ng Pasay LGU ang kahalagahan na masigurong may maayos na ventilation.
Facebook Comments