Andi Eigenmann, ido-donate ang kikitain sa vlog para sa Siargao Island

Ibabahagi ng aktres at vlogger na si Andi Eigenmann ang kaniyang kikitain sa YouTube para tulungan ang Siargao Island na makabangon matapos manalasa ang Bagyong Odette.

Sa kaniyang Instagram, sinabi ni Andi na magpapatuloy pa rin sila sa maraming vlog uploads ngayong Pasko na naglalaman ng mga clip o video nila bago dumating sa Maynila at ang pananalasa ng bagyo.

Batid daw niya ang kakulangan ng pagkain at tubig sa Siargao bilang epekto ng bagyo.


Say pa ni Andi, kaya niya ibibigay ang kanilang kinikita ay para maibalik ang naibigay na magic sa kaniyang buhay ng isla na naging tahanan na niya sa loob ng maraming taon.

Hinahangaan naman ng mga netizens ang ginawang ito ni Andi para sa kaniyang tirahan.

Facebook Comments