Umakyat na sa 810 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Pasay City.
Ito ay mula sa 149 na barangay o katumbas ng 74%.
Bumaba naman ngayon sa 414 ang mga bahay na naka-lockdown sa lungsod mula sa 103 barangay.
Ang positivity rate naman ng COVID sa Pasay ay bahagyang tumaas sa 12.08%.
Sa buwan ng Agosto, umabot sa 1,525 ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa nasabing lungsod.
Facebook Comments